The opening of a game of chess is a battle between two equally matched armies. |
Ang simula ng isang laro sa chess ay isang labanan ng dalawang magkasing-lakas na hukbo. |
There is no known method that will secure one player a decisive advantage over the other regardless of what the opponent does. |
Walang garantisadong pamamaaran na makakasiguro na ang isang manlalaro ay makakakuha ng tiyak na kalamangan laban sa iba habang hindi pinapansin ang paggalaw ng kanyang kalaban. |
If there were, chess as a professional sport would most likely cease to exist. |
Kung iyon nga ang kaso, ang chess bilang isang propesyonal na laro ay malamang na hindi tatagal. |
Winning a game of chess depends on one's opponent making inaccurate moves. |
Ang pagpanalo sa chess ay depende sa mga hindi eksaktong paggalaw ng isang kalaban. |
The question "What is an inaccurate move?" can best be answered by trial and error. |
Ang tanong na "Ano ang mga hindi eksaktong paggalaw?" ay pinakamabuting masasagot ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan, bilang resulta ng kanyang mga pagsubok at pagkakamali. |
Take the opening position shown in the diagram. |
Tingnan ang panimulang posisyon na ipinakikita sa larawan. |
It is White's move. |
Ang manlalaro ng Puti ang kinakailangang gumalaw. |
Why do almost all serious players begin by moving either a central pawn or the king's knight? |
Bakit kaya ang halos lahat ng mga seryosong mga manlalaro ay nagsisimula sa pamamagitan ng paggalaw ng kanilang pawn na nasa gitna o kaya ang knight ng hari? |
Simply because the results of millions of chess games have given these moves a better reputation than the alternatives. |
Ito ay dahil ang mga kinalalabasan ng mga milyong mga laro sa chess ay nagpapakita na ang mga galaw na ito ay nagreresulta ng mas mabuting kinalalabasan kung ikukumpara sa iba pang mga alternatibo. |
So you could say that White 'knows the secret' - except that after a handful of games have started with the same opening move, Black starts to realize that some ways of responding are better than others. |
Dahil dito ay maaari mong masabi na "alam" ng Puti "ang sikreto" - ngunit matapos ang ilang mga laro na ang parehong mga galaw sa simula ng laro ang nagaganap, mapapansin naman ng manlalaro ng Itim na mayroong ilang mga paggalaw na mas mabuti ang kinalabasan kung ikukumpara sa iba. |
Then White comes to know what to expect from Black. |
Pagkatapos ay malalaman naman ng manlalaro ng Puti kung ano ang maaari niyang maaasahan galing sa manlalaro ng Itim. |
Carry on this process over several centuries, bearing in mind that most chess positions contain a few potential moves that are just as good as one another (and some that are not as good but that might just throw an opponent off guard), and you will end up with enough opening theory to fill several encyclopedias. |
Ulit-ulitin ang pamamaraang ito sa loob ng ilang-daang mga taon, habang isinasaisip na ang karamihan sa mga posisyon sa chess ay mayroong ilang mga posibleng mga paggalaw na maaaring kasing-galing ng iba pa (at mayroon ding iba pa na maaari namang hindi kasing-galing, ngunit mayroon naman ang mga ito na posibilidad na masurpresa ang iyong kalaban kapag ito ang pinili mo), at ang kinalalabasan ay mayroon kang sapat na impormasyon para makabuo ng teorya tungkol sa panimulang bahagi ng larong ito para makabuo ng maraming mga ensiklopedya. |
The question is who can remember the most. |
Ang tanong ay kung sino ang makaka-alala ng pinakamarami nito. |