A Tattoo, like ear piercing, was only acceptable in the Western Culture among subculture groups like sailors, prisoners, bikers, and mobsters. |
Tulad ng pagbutas sa tainga, ang Tattoo ay dating tanggap lamang sa kultura ng mga kanlurang dayuhan tulad sa mga grupo ng mandaragat, bilanggo, at butanggero. |
Again, like piercing, the homosexual subculture began the tattoo movement to the mainstream. |
Kagaya sa pagsuot ng hikaw, ang homoseksuwal na kulturang ito ay sumikat rin sa mga mamamayan. |
According to "The Progression of the Tattoo," tattoos are now considered a "unique decoration" in the world of body art because they stay with the person forever. |
Ayon sa "The Progression of the Tattoo," ang mga tattoo ay kasalukuyang tinuturing na "bukod-tanging dekorasyon" sa mundo ng body art dahil sa panghabang-buhay na anyo nito. |
Many people find this idea appealing, and seek to tattoo on themselves an idea or message that will never leave them. |
Ang konseptong ito ay kaakit-akit para sa karamihang tao, at hinahangad magpa-tatoo ng mensaheng di nila malilimutan. |
This idea also follows the idea that because body art is more popular in the mainstream culture of Generation X, it can be seen as a divergence from the culture of the previous generation. |
Ang pag-tatoo ay tila mas sikat sa kultura ng Generation X na kabataan, na sumasalungat sa kultura ng mga nakaraang henerasyon. |
In this sense, tattooing, like body piercing, can be seen as liberation from the mainstream culture. |
Kung tutuusin, ang tattoo, tulad ng pagsuot ng hikaw, ay maituturing na paglaya sa pang-kasikatang kultura. |
Tattoos can also be considered a sign of conformity. |
Ang tattoo ay maari ring maituturing na simbolo ng pakikibagay. |
At the beginning of the recent tattooing revolution (about twenty years ago) getting a tattoo was a clear sign of deviation. |
Sa panimula ng nakaraang rebolusyon ng tattoo na sumiklab bandang dalawampung taong nakalipas, ang pagpapa-tatoo ay sagisag ng kataliwasan. |
Today, however, tattoos have made their way into the popular culture of the nation: advertisements even have begun to use tattoos in their marketing to appeal to a younger buying demographic. |
Subalit sa kasalukuyan, ang tattoo ay naging laganap na kultura na sa bansa: kadalasan nang ginagamit ang tattoo sa mga adbertisment upang makahikayat sa kabataan.
|
So while before, tattooing was really a sign of the "other," today, it can be argued that wearing a tattoo is only a more permanent way to conform. |
Mula sa sinaunang punto na sinasabing ang pagpapa-tattoo ay simbolo ng kataliwasan, maari nang ikatwiran ngayon na ang tattoo ay isang paraan upang permanenteng makiayon sa lipunan. |