A dominant theme in One Hundred Years of Solitude is the inevitable and inescapable repetition of history in Macondo. |
Ang nangingibabaw na tema ng One Hundred Years of Solitude ay ang hindi maiiwasan at hindi matatakasang pag-uulit ng kasaysayan sa Macondo. |
The protagonists are controlled by their pasts and the complexity of time. |
Ang mga pangunahing tauhan ay kontrolado ng kanilang mga nakaraan at ang pagkamasalimuot ng panahon. |
Throughout the novel the characters are visited by ghosts. |
Ang mga tauhan sa kabuuan ng nobela ay dinadalaw ng mga multo. |
"The ghosts are symbols of the past and the haunting nature it has over Macondo. The ghosts and the displaced repetition that they evoke are, in fact, firmly grounded in the particular development of Latin American history". |
"Ang mga multo ay mga simbolismo ng nakaraan at ang maligalig na katangian nito sa buong Macondo. Ang mga multo at ang paulit-ulit na paglilikas na kanilang pinapaalala, sa katunayan, ay matibay na nakakapit sa tiyak na pagbabago sa kasaysayan ng Latin America." |
"Ideological transfiguration ensured that Macondo and the Buendías always were ghosts to some extent, alienated and estranged from their own history, not only victims of the harsh reality of dependence and underdevelopment but also of the ideological illusions that haunt and reinforce such social conditions." |
"Ang pagbabagong-anyo ng ideolohiya ay nagitiyak na ang Macondo at ang mga Buendia ay palaging mga multo sa paanuman, hiwalay at dayo sa kanilang sariling kasaysayan, hindi lamang mga biktima ng malupit na katotohanan ng pagkasalalay at paghihirap kundi ng mga ilusyong pang-ideolohiya na nagpapaligalig at nagpapatibay ng ganitong mga kalagayang panlipunan." |
The fate of Macondo is both doomed and predetermined from its very existence. |
Nakatakdang mawasak at nakatadhana na noon pa man ang kaparalan ng Macondo. |
"Fatalism is a metaphor for the particular part that ideology has played in maintaining historical dependence, by locking the interpretation of Latin American history into certain patterns that deny alternative possibilities. The narrative seemingly confirms fatalism in order to illustrate the feeling of entrapment that ideology can performatively create." |
"Pagtatadhana ang talinhaga ng natatanging ideolohiya na umiiral sa pagpapanatili ng pagkasalalay ng kasaysayan, sa pamamagitan ng pagsasara sa interpretasyon ng kasaysayan ng Latin America sa natatanging mga parisan na nagkakaila ng alternatibong mga posibilidad. Ang salaysay ay waring nagpapatunay sa pagtatadhana na ipakita ang nararamdamang pagkakulong na nalilikha ng ideolohiya." |
García Márquez uses colours as symbols. |
Mga kulay ang ginagamit ni Garcia Marquez bilang mga simbolismo. |
Yellow and gold are the most frequently used colors and they are symbols of imperialism and the Spanish Siglo de Oro. |
Kalimitang dilaw at ginto ang gamit na mga kulat at mga simbolo ito ng imperyalismo at ng Siglo de Oro ng Espanya. |
Gold signifies a search for economic wealth, whereas yellow represents death, change, and destruction. |
Ang ginto ay sumasagisag ng paghahanap sa yamang pang-ekonomiya, habang ang dilaw naman ay kumakatawan sa kamatayan, pagbabago, at pagkawasak. |
The glass city is an image that comes to José Arcadio Buendía in a dream. |
Ang salaming lungsod ay isang imahen na dumadalaw kay Jose Arcadio Buendia sa panaginip. |
It is the reason for the location of the founding of Macondo, but it is also a symbol of the ill fate of Macondo. |
Ito ang dahilan para sa lokasyon ng pagkatatag ng Macondo, pero ito ay sumbolo din ng pagkawasak nito. |
Higgins writes that, "By the final page, however, the city of mirrors has become a city of mirages. Macondo thus represents the dream of a brave new world that America seemed to promise and that was cruelly proved illusory by the subsequent course of history." |
Sinulat ni Higgins na, "Subalit, sa huling pahina, ang lungsod ng mga salamin ay naging lungsod ng malikmata. Kaya kinakatawan ng Macondo ang panaginip ng isang matapang na bagong mundo na pakiwari'y pinangako ng Amerika at malupit na pinatunayang ilusyon ng pagkakasunod na daloy ng kasaysayan. |
Images such as the glass city and the ice factory represent how Latin America already has its history outlined and is, therefore, fated for destruction. |
Ang mga imahen katulad ng salaming lungsod at ang pabrika ng yelo ay kumakatawan sa kung paano nagkaroon na ng balangkas ng kasaysayan ang Latin America at, kung kaya, ay nakatadhana ang pagkawasak. |