Informal Education is a general term for education that can occur outside of a structured curriculum. |
Ang Impormal na Edukasyon ay ang pangkabuuang tawag sa pag-aaral na maaring mangyari sa labas ng isang planadong kurikulum. |
Informal Education encompasses student interests within a curriculum in a regular classroom, but is not limited to that setting. |
Umiikot ang Impormal na Edukasyon sa mga interes ng mag-aaral na kasama sa kurikulum ng isang regular na klase sa silid-aralan, ngunit hindi ito limitado sa nasabing lugar lamang. |
It works through conversation, and the exploration and enlargement of experience. |
Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagkikipag-usap, at sa pagpapalaki at pagpapalawak ng kasanayan. |
Sometimes there is a clear objective link to some broader plan, but not always. |
Minsan mayroong isang malinaw na layunin para sa isang mas malawak na plano, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. |
The goal is to provide learners with the tools he or she needs to eventually reach more complex material. |
Ito ay may layuning magbigay ng mga kagamitan sa mga mag-aaral na makatutulong upang maabot nila ang isang mas kumplikadong materyal. |
It can refer to various forms of alternative education, such as: Unschooling or homeschooling, Autodidacticism (Self-teaching), Youth work, and Informal learning |
Ito ay maaaring tumukoy sa iba-ibang uri ng alternatibong edukasyon, gaya ng: Unschooling o homeschooling, Autodidacticism (o pagtuturo sa sarili), Youth work, at Impormal na pagkatuto. |
Informal Education consists of accidental and purposeful ways of collaborating on new information. |
Ang Impormal na Edukasyon ay binubuo ng mga hindi sinasadya at makabuluhang paraan ng pagtutulungan sa bagong impormasyon. |
[2] It can be discussion based and focuses on bridging the gaps between traditional classroom settings and life outside of the classroom. |
[2] Maaari itong maging isang talakayan at tumutok na pag-isahin ang tradisyunal na klase at buhay sa labas ng silid-aralan. |
People interpret information differently, and therefore a structured curriculum may not allow all learners to understand the information. |
Magkakaiba ng paraan ang mga tao pagdating sa pag-intindi ng impormasyon, dahil dito maaaring hindi sapat ang isang buong kurikulum para maunawaan ng lahat ng mag-aaral ang impormasyon. |
Informal education is less controlled than the average classroom setting, which is why informal education can be so powerful. |
Hindi masyadong kontrolado ang impormal na edukasyon kumpara sa pangkaraniwang klase, kaya naman pwedeng maging makapangyarihan ang impormal na edukasyon. |
Informal education can help individuals learn to react to and control different situations and settings. |
Makatutulong ang impormal na edukasyon na matutunan ng mga tao na kumilos at kontrolin ang iba't ibang sitwasyon. |
In addition, it combines social entities that are important for learning. |
Higit pa rito, naisasama nito ang mga bagay sa lipunan na mahalaga sa pagkatuto. |
Informal Education may be viewed as the learning that comes as a part of being involved in youth and community organizations. |
Maaaring tignan ang impormal na edukasyon bilang pagkatuto sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga organisasyong pangkabataan at pangkomunidad. |
This type of education is a spontaneous process, which helps people to learn information in a new way. |
Ang uri ng edukasyong ito ay isang kusang pangyayari na nakatutulong upang maintindihan ng mga tao ang impormasyon sa isang bagong paraan. |
Its helps to cultivate communities, associations and relationships that make for a positive learning environment. |
Tumutulong ito na linangin ang mga komunidad, mga asosasyon at mga ugnayan na bumubuo sa isang positibong lugar ng pagkatuto. |
Informal Education: |
Ang Impormal na Edukasyon: |
- Looks to create or deepen situations where people can learn, explore and enlarge experiences, and make changes. |
- Ay gumagawa o kaya naman ay pinalalalim ang sitwasyon para matuto, mapalawak at malinang ang karanasan ng mga tao, at makagawa ng pagbabago. |
- Provides an environment where everyone can learn together and can scaffold off of one another. |
- Ay nagbibigay ng isang lugar kung saan lahat ng tao ay pwedeng matuto nang samasama at nagtutulungan. |
- Understanding that the activity can be based on any form of learning, the teaching does not have to be deliberate, more so implied. |
- Dahil ito ay maaaring magbase sa kahit anong uri ng pagkatuto, hindi kinakailangang maging sadya ang pagtuturo, hindi rin ito kailangan pang ipahiwatig. |
We give students the tools to do complex materials over time, rather than teaching the complex material and then giving the tools. |
Binibigyan namin ng kasangkapan ang mga mag-aaral upang sa paglipas ng panahon ay magawa nila ang mga kumplikadong materyal, kaysa turuan sila ng kumplikadong materyal at saka sila bigyan ng kasangkapan. |
- Focuses on the social aspects of learning, and how important collaborative learning is. |
- Pinagtutuunan ng pansin ang mga panlipunang aspeto ng pagkatuto, at kung gaano kahalaga ang pakikipagtulungan. |
- The tools students are given are tangible for the processes in which they will be applied. |
- Ang mga kasangkapang ibinibigay sa mga mag-aaral ay pwede nilang magamit sa proseso ng pagkatuto. |
- Bridges the gap between school and life. |
- Pinagsasama ang paaralan at ang buhay ng mag-aaral. |
- Allows students a choice in learning, and how to approach the material. |
- Binibigyan ng kalayaang pumili ang mga mag-aaral, at kung paano nila matututunan ang kanilang materyal. |
- Make learning accessible in every day life and in the future. |
- Ginagawang mas abot-kamay ang pagkatuto sa kanilang pang-araw-araw na buhay at sa hinaharap. |
- Informal Education is driven by conversation and interacting with others. |
- Ang Impormal na Edukasyon ay pinaiigting ng pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao. |