The complex situation of Catholicism in Great Britain had results in their Colonies. |
Ang kumplikadong sitwasyon ng kotolisismo sa Britanya ay nagkaroon ng mga resulta sa kanilang mga Kolonya. |
At the time of the American revolution, Catholics formed approximately 1.6% of the total American population of the original 13 colonies. |
Sa panahon ng rebolusyong Amerikano, ang mga Katoliko ay bumubuo ng humigit-kumulang 1.6% ng kabuuang populasyon ng Amerika sa orihinal na 13 na kolonya. |
If Catholics were seen as potential enemies of the British state, Irish Catholics, subject to British rule, were doubly-damned. |
Kung ang mga Katoliko ay nakikita bilang potensyal na kaaway ng estado ng Britanya, ang mga Katoliko ng Ireland, na sumasailalim sa pamamahala ng Britanya, ay makalawang ulit na sinumpa. |
In Ireland they had been subject to British domination. |
Sa bansang Ireland sila ay napapailalim sa dominasyon ng Britanya. |
In America Catholics were still forbidden from settling in some of the colonies. |
Sa bansang America, ang mga Katoliko ay ipinagbabawal pa rin ang pagtira sa ilang mga kolonya. |
Although the head of their faith dwelt in Rome, they were under the official representation of the Catholic Bishop of the London diocese, one James Talbot. |
Kahit na ang pinuno ng kanilang pananampalataya ay naninirahan sa Roma, sila ay nasa ilalim ng opisyal na representasyon ng Katolikong Obispo ng diyosesis ng London, isang nagngangalang James Talbot. |
When War began, Bishop Talbot declared his faithfulness to the British Crown. |
Nang magsimula ang Digmaan, ipinahayag ni Bishop Talbot ang kanyang katapatan sa British Crown. |
(If he had done otherwise, Catholics in England would have been in trouble. Anti-Catholic sentiment still ran high.) |
(Kung hindi nya ito ginawa, ang mga Katoliko sa Inglatera ay maaaring napunta sa magulong sitwasyon. Ang sentimyento sa Anti-Katoliko ay nananatiling mataas pa rin.) |
He forbade any Colonial priest to serve Communion. |
Pinagbawalan nya ang mga kolonyal na paring magbigay ng komunyon. |
This made practice of the faith impossible. |
Ginawa nitong imposible ang pagpapahayag sa pananampalataya. |
This created sympathy for the Colonial rebels. |
Ito ay lumikha ng simpatya sa mga rebeldeng kolonyal.
|
The Continental Army's alliance with the French increased sympathy for the faith. |
Ang alyansa ng Continental Army sa Pranses ay dumagdag ng simpatya para sa pananampalataya.
|
When the French fleet arrived in Newport, Rhode Island, the colony repealed the Act of 1664 and allowed citizenship to Catholics. |
Nang dumating ang armada ng Pranses sa Newport, Rhode Island, ang kolonya ay nagpawalang-bisa sa Batas ng 1664 at pinayagan ang pagkamamamayan ng mga Katoliko. |
(This anticipated the provision of the Constitutional Bill of Rights which would strike anti-Catholic laws from the books.) |
(Inasahan nito ang pagtatakda ng Batas sa Konstitusyon ng mga Karapatan na syang magtatanggal ng mga anti- katolikong batas sa mga aklat.
|
After the war, the Pope created an American Bishop, John Carroll -- a descendant of the same Carrolls who had helped found Maryland -- and an American Diocese communicating directly with Rome. |
Pagkatapos ng digmaan, ang Papa ay nagtakda ng Amerikanong Obispo, si John Carroll - isang inapo ng parehong Carrolls na tumulong itatag ang Maryland - at isang Diocese ng Amerika na direktang nakikipag-usap sa Roma.
|
The British government commanded General Thomas Gage to enforce the Intolerable Acts and shut down the Massachusetts legislature. |
Ang gobyernong Britanya ay nag utos kay Heneral Thomas Gage na ipatupad ang malulupit na mga pagkilos at isara ang lehislatura ng Massachusetts. |
Gage decided to confiscate a stockpile of colonial arms located in Concord. |
Nagpasya si Gage na kumpiskahin ang isang tipon ng mga kolonyal na armas na matatagpuan sa Concord. |
On April 19, 1775, Gage's troops marched to Concord. |
Noong ika-19 ng Abril,1775, nag martsa ang mga tropa ni Gage sa Concord. |
On the way, at the town of Lexington, Americans who had been warned in advance by Paul Revere and others of the British movements made an attempt to stop the troops. |
Sa daan, sa bayan ng Lexington, ang mga Amerikanong binigyang ng paunang babala ni Paul Revere at iba pa sa mga kilusan ng Britanya ay nagsagawa ng isang pagtatangkang itigil ang mga tropa. |
No one knows which side fired the first shot, but it sparked battle on Lexington Green between the British and the Minutemen. |
Walang sinumang nakakaalam kung saang panig nagmula ang unang putok subalit ito ang naging mitsa ng digmaan sa Lexington Green sa pagitan ng Briton at Minutemen.
|
Faced against an overwhelmingly superior number of British regular troops in an open field, the Minutemen were quickly routed. |
Nahaharap laban sa napakaraming bilang ng regular na tropa ng Britanya sa isang bukas na larangan, ang mga Minutemen ay mabilis na nagapi.
|
Nevertheless, alarms sounded through the countryside. |
Ganunpaman, ang mga alarma ay pumailanlang sa buong kanayunan. |
The colonial militias poured in and were able to launch guerrilla attacks on the British while they marched on to Concord. |
Bumuhos ang mga kolonyal na milisya at nakapaglunsad ng mga gerilyang pag atake sa Briton habang naglalakad ang mga ito sa Concord.
|
The colonials amassed of troops at Concord. |
Ang mga kolonyal ay nagtipon ng mga tropa sa Concord. |
They engaged the British in force there, and they were able to repulse them. |
Nakipaglaban sila sa pwersa ng mga Briton doon, at nagawa nilang itaboy ang mga ito. |
They then claimed the contents of the armory. |
Pagkatapos ay kinuha nila ang mga nilalaman ng imbakan ng armas.
|
The British retreated to Boston under a constant and withering fire from all sides. |
Ang mga Briton ay umatras patungong Boston sa ilalim ng tuluy-tuloy at mapaminsalang putok mula sa lahat ng panig.
|
Only a reinforcing column with artillery support on the outskirts of Boston prevented the British withdrawal from becoming a total rout. |
Tanging isang pandagdag hanay na may suporta ng artilerya sa labas ng Boston ang nakapigil sa mga umaatras na Briton sa lubusang pagkagapi. |
The following day the British woke up to find Boston surrounded by 20,000 armed colonists, occupying the neck of land extending to the peninsula the city stood on. |
Nang sumunod na araw, ang mga Briton ay nagising upang makita ang Boston na napapaligiran ng 20,000 armadong kolonista at sinakop ang leeg hanggang kabuuan ng lupang peninsula kung saan nakatayo ang lungsod. |