Public health has been described as "the science and art of preventing disease, prolonging life and promoting health through the organized efforts and informed choices of society, organizations, public and private, communities and individuals." |
Ang kalusugang pampubliko ay tinukoy bilang "ang agham at sining sa pag-iwas sa karamdaman, pagpapahaba ng buhay at pagsulong ng kalusugan sa pamamagitan ng mga organisadong pagsusumikap at edukadong pasya ng lipunan, mga samahang pampubliko at pribado, mga pamayanan at mga indibidwal." |
It is concerned with threats to the overall health of a community based on population health analysis. |
Ito ay may kaugnayan sa mga hamon sa pangkalahatang kalusugan ng isang pamayanan batay sa pagsusuri ng kalusugan ng isang populasyon. |
The population in question can be as small as a handful of people or as large as all the inhabitants of several continents (for instance, in the case of a pandemic). |
Ang itinuturing na populasyon ay maaaring maging kasing-unti ng iilang mga tao o di kaya'y kasing-rami ng lahat ng mga nakatira sa ilang mga kontinente (halimbawa, sa panahon ng isang pandemya). |
Public health has many sub-fields, but typically includes the interdisciplinary categories of epidemiology, biostatistics and health services. |
Ang kalusugang pampubliko ay kumakatawan sa maraming mga mas maliliit na larangan, subalit karaniwan ay saklaw nito ang mga malalawak na kategorya ng epidemolohiya, biostatistics at mga serbisyong pang-kalusugan. |
Environmental health, community health, behavioral health, and occupational health are also important areas of public health. |
Ang kalusugang pang-kalikasan, kalusugang pampamayanan, kalusugang pangkaasalan, at kalusugang pantrabaho ay mga mahahalaga ding larangan ng kalusugang pampubliko. |
The focus of public health interventions is to prevent and manage diseases, injuries and other health conditions through surveillance of cases and the promotion of healthy behavior, communities, and (in aspects relevant to human health) environments. |
Ang puntirya ng mga panghihimasok ng kalusugang pampubliko ay ang maiwasan at mapangasiwaan ang mga karamdaman, pagkasugat at iba pang mga kalagayang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga kaso at pagsulong ng mga malulusog na kaugalian, pamayanan at pamayanan (sa mga aspetong ukol sa kalusugang pantao). |
Its aim is to prevent health problems from happening or re-occurring by implementing educational programs, developing policies, administering services and conducting research. |
Ang layunin nito ay ang maiwasan maganap o maulit ang mga suliraning pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon, pagbuo ng mga patakaran, pangangasiwa ng mga serbisyo at pagsasagawa ng pananaliksik. |
In many cases, treating a disease or controlling a pathogen can be vital to preventing it in others, such as during an outbreak. |
Sa maraming mga sitwasyon, ang paggamot sa isang karamdaman o pagkontrol ng isang pathogen ay maaaring maging mahalaga upang maiwasan itong maisalin sa iba, tulad ng sa isang epidemya. |
Vaccination programs and distribution of condoms to prevent the spread of communicable diseases are examples of common preventive public health measures, as are educational campaigns to promote vaccination and the use of condoms (including overcoming resistance to such). |
Ang mga programa sa pagpapabakuna at ang pamamahagi ng mga condom upang maiwasan ang pagkalat ng mga karamdamang nakahahawa ay ilang mga halimbawa ng mga karaniwang pang-iwas na hakbang sa kalusugang pampubliko, bukod sa mga kampanyang pang-edukasyon para sa pagsulong ng pagpapabakuna at ang paggamit ng mga condom (kabilang ang pagsugpo sa mga pagkontra sa paggamit nito). |