- Cut a full chicken into medium size pieces of about 5 to 7 cm each and slice them at edges with a knife. |
- Hiwain ang manok sa mga piraso na katamtaman ang laki na mga 5 hanggang 7 sentimetro gamit ang kutsilyo. |
- Make a solution of 150ml Yoghurt, 1 tsp salt, 1 tsp Red chilli powder, 1~2 tsp garam masala powder, 1 tsp red pepper powder, 4 to 6 cloves of cut garlic, 10 to 20 coriander leaves, half tsp black pepper powder ground. |
- Pagsama-samahin ang 150 ml na Yoghurt, 1 kutsaritang asin, 1 kutsaritang red chili powder, 1~2 kutsaritang garam masala powder, 1 kutsaritang red pepper powder, 4 hanggang 6 na butil ng bawang na tinadtad, 10 hanggang 20 dahon ng coriander, kalahating kutsarita ng black pepper powder. |
Don't add water to it. |
Huwag itong lalagyan ng tubig. |
- Soak chicken pieces in the above solution and let that marinade for about 8 hours. |
- Ibabad ang mga piraso ng manok sa pinagsama-samang mga sangkap sa loob ng mga 8 oras. |
Store the above in a fridge overnight. |
Ilagay ito sa refrigerator nang magdamag. |
- When you start cooking, cut 2 onions into large rings and fry them in olive or sunflower oil over low heat. |
- Kapag nagsimula ka nang magluto, maghiwa ng 2 sibuyas. Hiwain ang mga ito nang pabilog at prituhin sa mahinang apoy gamit ang olive oil o sunflower oil. |
- Add 1 tsp garam masala, red chilli powder, two or three green chillis and fry them in 3 or 4 table spoons of oil until onions are light yellow in color. |
- Dagdagan ng 1 kutsaritang garam masala, red chili powder, 2 o 3 berdeng sili, at prituhin ang mga ito sa 3 o 4 na kutsarang mantika hanggang sa maging dilaw ang kulay ng sibuyas. |
Add two or three cashew nuts which are grounded. |
Lagyan ng 2 o 3 buto ng kasoy na dinurog. |
Add one finely chopped tomato if desired. |
Lagyan ng isang tinadtad na kamatis, kung gusto. |
- Add chicken pieces to the above oil and fry them for about 5 minutes while stirring them. |
- Ilagay ang mga piraso ng manok sa nabanggit na mantika at iprito nang mga 5 minuto habang hinahalo. |
After this, Add the solution prepared above and add water until all chicken pieces are completely immersed in water. |
Pagkatapos, ilagay ang nabanggit na pinagsama-samang sangkap at lagyan ng tubig hanggang sa lumubog ang lahat ng piraso ng manok. |
You would need a large cooking pot which is vertical for better results. |
Kailangang malaki at mataas ang kaldero para mas maganda ang resulta. |
- Heat the above under low to medium heat for about 30 to 45 minutes or slightly more. |
- Lutuin ito sa mahina hanggang sa katamtamang init sa loob ng mga 30 hanggang 45 minuto o mas matagal pa nang kaunti. |
Add 100ml coconut milk if desired. |
Lagyan ng 100 ml na gata, kung gusto. |
- Wait for a few minutes until the chicken pieces are tender and have absorbed the solution. |
- Maghintay nang ilang minuto hanggang sa lumambot ang mga piraso ng manok at masipsip ng mga ito ang pampalasa. |
- When serving, use a small onion and sprinkle some juice over chicken. |
- Kapag inihahain, lagyan ng isang maliit na bawang ang manok at wisikan ito ng kaunting juice. |
This recipe works well with long grain Basmati rice. |
Masarap itong kainin kasama ng kanin na Basmati na mahahaba ang butil. |
- Serve with rice. |
- Ihain na may kasamang kanin. |